Managinip ka at maglakbay: Isang pagbibigay-kahulugan sa mga panaginip

Friday, November 04, 2011

By Ang Kasanag

Litrato ni Karla Magsipoc

Managinip ka at Maglakbay

Ibon-Para sa  mga mayayaman,  ito ay nagpapahiwatig ng isang malungkot at kabaliktarang mga pangyayari sa kanilang buhay,para naman sa mga hindi pinalad sa buhay,ito ay nangangahulugan ng  magandang pagbabago  sa kanilang buhay lalung-lalo na kapag naririnig nilang kumakanta ang mga ibong ito.

Gusali-  Kapag ang mga gusaling ito ay malalaki at kahanga-hanga, nangangahulugan ito na ikaw ay magiging  maunlad, masaya’t makakapunta sa isang magandang lugar, kapag mayroong mga palasyo,maaari itong kayamanan at karangalan,ngunit kapag ito ay maliit at sira-sira maaaring maghihirap ka sa buhay.

Kandila- Kapag gumagawa ka ng kandila, magiging makabuluhan ka sa buhay ng ibang tao.  Kasiyahan at salu-salo naman ang batid ng pagbili ng kandila. Samantalang ang kandilang sinindihan ay nangunguhulugan ng bagong pag-asa at kasiyahan, kasawian naman at kawalan ng mahal sa buhay ang dala ng nahipang ilaw ng kandila.

Pusa- Paglilinlang ang kahulugan ng pusa. Para sa isang dalaga, ito ay nangangahulugan na ang kanyang kasintahan ay pilyo at madaya. Para naman sa isang binata, ang kanyang  buhay pag-ibig ay magiging masalimuot, sa isang negosyante nangangahulugan ito  ng  di matapat na mga empleyado. Ang mapanaginipan ang mga pusa at kuting ay nagpapakita ng malaki ngunit hindi maaayos na pamilya.

Ulap- Ang maitim na ulap ay nangunguhulugan ng mga kasawiang hindi mo kakayanin. Kapag ito ay magkawatak-watak  at kumupas palayo, matagumpay mo’ng malalampasan ang mga pagsubok  na ito.

Pagsayaw- Nangahulugan ng hindi inaasahang kapalaran, makakatanggap ng kagandahang loob mula sa iba at karangalan. Maaari ring masayang balita  galing sa isang dating kaibigan. Ang mga plano mo ay magiging matagumpay at mapapasayo ang tiwala ng isang importanteng tao.

Kumakain-Kapag kumakain ka nang mag-isa, nangangahulugan ito  ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya,pagkakahiwalay ng magkarelasyon at pagkatalo sa negosyo. Kapag kumakain  ng may kasama,nangangahulugan ito ng masayang pagkakaibigan, tagumpay sa negosyo at kasiyahan sa buhay may-asawa.

Pag-aaway-Ito ay nagpapakita ng hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng magkarelasyon. Kung napanaginipan mo na ikaw ay may kaaway at ikaw ay natalo,ang mga kaaway ay magtatagumpay,pero kung ikaw  ay nanalo,matatalo mo ang mga kaaway.

Apoy-Nangangahulugan ito ng kalusugan,matinding kasayahan at mabuting maiinit na relasyon sa mga kaibigan. Kapag sunog naman ang napaginipan, ito ay magdadala ng kalamidad.

Dugo- Nagpapahiwatig ng kabiguan at kamatayan. Sa taong magpapakasal, maaring may pipigil nito. Kung duguang kamay naman ang napanaginipan, makakasakit o makakapanakit ka ng ibang tao, kaya mag-ingat.

Tulay- Ang pagtawaid sa tulay sa araw ay pagpapahiwatig ng pagbabago ng sitwasyon. Kung makakatawid nang walang hadlang magiging matagumpay ka sa iyong buhay. Ngunit kung may pipigil, nangunguhulagan ito ng panlilinlang ng kasintahan. Kung tatawid sa sirang tulay, maaring hindi ka magtatagumpay kaya huwag magpaiba-iba ng desisyon.

Libingan- ang paglalakad sa isang libingan ay nagpapahiwatig ng isang pagpapakasal.

Kabataan- Tagumpay sa negosyo at pagdami  ng kayamanan. Ang magagandang kabataan ay nangangahulugan ng mahahalagang kaibigan, kung sila naman ay marumi’t payat, masisira ang iyong reputasyon. Ang makita silang sinisilang ay pampamilyang kasiyahan. Ang pagkamatay naman nila’y kasawian sa buhay.

Umaakyat- Ang pag-akyat sa mataas na bundok at pagtapak sa pinakarurok nito ay nangangahulugan na matagumpay mong malalampasan ang mga dabok sa iyong buhay.

Aso- ang paghimas  ng aso ay senyas ng pagdating ng isang tapat na kaibigan. Kapag ikaw ay kakagatin, nangunguhulugan ito na ang matalik mo’ng kaibigan ang siya ring pinakahigpit na kaaway. Ang pagtahol naman ng isang aso ay nangangahulugan ng alitan sa pagitan ng magkakaibigan o kasintahan.

Nalulunod- Paglubog ito ng kalakal at kahirapan. Ngunit kung may darating na tulong, nagdadala ito ng kaibigang may kakayahang magbigay ng suliranin sa iyong mga problema.

Pagbaha- Para sa mga negosyante  at mandaragat ito ay nagpapahiwatig ng tagumapay. Ngunit sa iba, ito ay magdadala ng masamang kalusugan, di matagumpay pagkamit ng hustisyang inaasam at masamang kaaway.

Pagkain- Kung hindi makukuha ang mga pagkaing ninanais makakaranas ka ng kahirapan. Ang pag-imbak ng maraming pagkain ay nangangahulugan ng isang mahabang paglalakbay. Maraming panganib ang darating ngunit malalampasan mo ito at magkakamit ka ng yaman sa ibang bansa at makakauwi ng kasaganaan.

Bahay- Kapag gumugawa ng bahay, ito ay nagpapahiwatig  ng kaunlaran at tagumpay sa kalakal. Pagkatapos ng panaginip na ito, maaaring magkaroon ng malaking pagtaas ng kita sa negosyo.

Kutsilyo- Ito’y nagpapahiwatig ng kahirapan. Kapag ito ay kumikinang at matalim, asahan ang pagdating ng isang kaaway, kapag may hihintay na resulta ng kaso, hindi mo makukuha ang inaasahang resulta. Kung ikaw ay may asawa matutuklasan mong ika’y kanyang niloloko, kung kasintahan naman, ikawa ay kanyang ipagpalit sa iba at kung sa negosyo ikaw ay hindi magtatagumpay.

Hagdanan- ang pag-akyat sa mataas na hagdan ay nagpapahiwatig ng makinang na hinaharap sa lahat ng aspekto ng buhay. Ngunit kung ika’y mahuhulog sa hagdan, hindi ka magtatagumpay sa buhay. Kung masisira ang hagdan nangunguhulugan din ito ng pagkasira ng mga pangarap.

Share on Facebook
This entry was posted in Lathalain and tagged . Bookmark the permalink.

2 Responses to “Managinip ka at maglakbay: Isang pagbibigay-kahulugan sa mga panaginip”

  1. Joumana says:

    sige karaoke tayo. namagda yung may song and dance para kwela. may pangarap nga ako eh, sana magkatutuo. gusto kong magkaroon ng EB ang mga pinoy bloggers. tapos instead na normal dialog lang during the get together, dapat lahat ng mga sasabihin natin ay through song. parang miss saigon ang dating

  2. Ano po ba ang kahulugan pag may nakita kang blacklady sa panaginip?

Leave a Reply